13 October 2005

ADOBO GALORE

Tanda ko pa ng manalo ng Miss International si Mimi - 26 years ago !!! (juiceko, ang tanda tanda ko na)... anyway, ang tangkad tangkad ni Mimilanie at pinay na pinay ang dating... Ang mga bading talagang lokang loka sa drama ni Mimi - lalo na ng bubuka ka ang bibig nito pag nag-English...nakakatuwa siya... comedy tuloy ang dating....

Katulad ng "Don't judge my brother - he's not a book!" referring to Joey Marquez.

Ang dami daming mga write ups about Mimi - na hindi mo na malaman kung ito nga totoo na galing sa kanya, katulad ng nakakatuwang cooking instruction below:

THE" MIMILANIE'S ADOBO DE LA MISS INTERNATIONAL" O hayan mga friends, Rogays and countrygays.... may tip ako sa inyo kung paano magluto ang isang BEAUTY QUEEN. Ang unang dish natin ay ang palasak na Adobo pero iba sa palasak na Adobo. Iba kasi, Ala "THE" Mimilanie nga, ang kulit! Wala na yung table spoon-table spoon na yan o yung mga sukat-sukat tienes. Basta ganito ang gawin para talagang maging matagumfay kayo sa pagluluto ng "THE" Mimilanie's "ADOBO DE LA MISS UNIVERSE" Magpitpit ng bawang nang todo-todo na para kang galit na galit. Hugasan nang maigi ang mga sangkap (wag sasabunin, gagah!).... Kahit na anong gusto ninyong isangkap; VAVOY, VAKA o MANOK (wag lang paniki). Una, IGISA (sauté), inuulit ko, IGISA ang bawang (sa mantika syemfre!). Then pag dark na siya, ihalo ang mga sangkap (vavoy, vaka, o chicken). Gandahan ang paggisa na para bang ikaw ay isang tunay na Miss Universe. Kung gusto mo, maglagay ng corona habang naghahalo. Wag ka nang mag make-up, over na yan. Then pag medyo hindi na mafutla ang iyong ginigisa, lagyan ng famintang buo na dinurog, haluin ulit, then lagyan ng H2O (sasampalin na kita dyan, tubig yan, che!). Lagayn ng asin na salt. WAG lalagyan ng toyo (dahil may toyo na kayo sa inyong brains, ching).. Takpan. Then kumanta ka ng "I Honestly Love You" habang hinihinstay kumulo.Pag kumulo na at malamvot na ang sangkaf, lagyan ng suka (mas maganda ang sukang stateside kasi yung mga sukang Pinoy, hindi matapang). Wag takpan.Pag medyo natutuyo na, lagyan ng GATA (coconut milk, please wag kayong magkakamali na kung anong "milk" ang ilagay ninyo, susmaryosep!). Mas maigi kung ang ilalagay ninyo ay ang kakang-gata (ito yung lumabas sa unang piga). Kung gagamit naman ng gata na nasa lata, try not to include the liquid, yung gata lang ang ilagay kasi hindi ninyo alam kung saan nanggaling ang liquid na iyon.Lutuin hanggang mawala ang sabaw at magmantika. This is the BEST ADOBO in the world. Try mo dali..!

2 comments:

duke said...

hahahah! sige nag try ko yang adobo recipe. I like reading this post! kakatuwa :) have a nice weekend!

Anonymous said...

hi duke,

oo nga.. ma imagine mo yung naka crown ka pa habang nagluluto nito... sarap magloka lokahan... anetch?

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin