02 October 2009

BAHA'

Gulantang pa rin ako hanggang ngayon sa flashflood na nangyari sa Pilipinas. Di naman ako naka-experience ng ganitong grabeng baha. Sa Davao kasi noon, binabaha rin, kya lang hanggang tuhod lang .... nag-eenjoy pa nga ako dahil pag baha - wa pasok sa school. Pero super kati ang tubig talaga - imagine mo na lang lahat ng basura at germs with the water. Wala namang masyadong nasasalanta that time ....
.

.

Ibang level ang nangyaring ito. Kaka-awa ang mga biktima. Lalo na ang mga kids at kaninang umaga sa TFC pinakita ang mga dead bodies along the Pasig River.

.

I know it is not time to blame and ask why this happened. Tragedy of course! Pweding sabihing man-made induced calamity. Di maiiwasan ang bagyo. Ang Pilipinas ay nasa typhoon belt. Responsible rin ang mga mamamayan at ang government sa nangyari. Kinulang sa preparedness efforts. This proves na everyone is affected - rich or poor ka man when this kind of calamity strikes. Kaya dapat community effort. Sana ay maraming lessons na pweding i-apply sa nangyaring ito. Proven ang pakikiramay at pagkaka-isa. Sana naman ay gawing personal na "habit" ng bawat isa ang wastong pamamaraan sa pagtapon at pag-re-resaykel ng basura. Yun lang po!

.

In the meantime, sana ay mas marami pang mag-bibigay ng suporta sa mga nasawi!

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin