23 April 2010

LOVE IS NOT A CHOLERA

Now mga inengs, di ko nabasa ang book na tets ni Gabriel Garcia Marquez (yun lang 100 years of Solitude nya and then di ko na matandaan and story,ha,ha!). Nakita ko lang sa collection ng ate ko ang dvd, kaya hiniram and pinanuod kong mag-isa kagabi. Buti nga di ko nabasa ang book, so wala akong point of comparison and enjoy lang ako sa panunuod without judgement or expectations, whatsoevah! Di naman ako masyado na touch, like the Notebook etc. Or naiyak man lang like Hachiko recently. Siguro manhid na ang lolah when it comes to forever LOVE and romaticism. Or nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Is this sign of maturity? or emotional decay? 51 years, 9 months and 4 days na paghihintay! Totoo ba toh? Nangyayari pa ba toh? Parang 100 years of solitude rin. Mahilig si GGM sa idea of passage of time .... sa tagal ng panahon, magbabago ka ba? hindi ba kusang namamatay ang pag-ibig? kapag love mo ba ang tao ganun ka katagal maghinhintay ...? Kahit maputi na ang buhok ko (accdg to Sharon) ... Ano ba talaga ang love? Is this passionate love? Ang pag-ibig ba ay isang ilusyon lang? O eto ba ay katotohanang nagbibigay liwanag sa bawat sandali ng yung buhay ...? Hayyyyy... Di ko pa rin alam .... But according to Lolo Gabby:
Age has no reality except in the physical world. The essence of a human being is resistant to the passage of time. Our inner lives are eternal, which is to say that our spirits remain as youthful and vigorous as when we were in full bloom. Think of love as a state of grace, not the means to anything ... but the alpha and omega. An end in itself.
Ang ganda ano ...how deep the meaning !!! Di kaya sinabi lang ni Lolo Gabby eto to justify the life of Florentino na naging super sex maniac kahit super gurang na? And then you can have sex with anyone while waiting for your true love to be with you ....? Mahirap ang pag-ibig. Yes, accdg to Fermina. (I tend to like her views) And Dr Urbino (her husband) said "The importance of marriage is not happiness but stability." Palaging nangyayari toh. Gusto ko rin yung point na he confessed having an affair and rectified it. Ngunit marami pa rin ang naghananap ng deeper meaning in life ... love ba eto? When we were young or younger - yung mga first love natin ay parang cholera ... yung di ka nakakatulog at feel na feel mo ay love sickness.... o cholera! Ngunit nawawala rin ang passion na toh ... most of the time. Going back to the story - nagwagi ang pag-ibig at the end kahit gurang na sila. Kaya masaya. Parang achievement na rin. So wish ko na lang, kung meron man tayong great TRUE LOVE ever ... na nawala or pinatay natin, sana ay matagpuan nating muli, kahit sa huli na.... Kesehoda !

1 comment:

Lyka Bergen said...

gosh ang sad.... sana buhay pa sya. ching!

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin